Ang Buwan ng Wika ay nakalaan upang ipagdiwang at kilalanin ang ating wika. Ang Pilipinas ay mayroong iba't-ibang wika katulad ng Filipino, Ilocano, Bisaya, at daan-daan pang iba! O' kay ganda ng mga ito!
Ang Buwan ng Wika ay buwan upang ipagdiwang at kilalanin ang ating wika, ngunit hindi lamang ito ang natatanging oras upang gawin ang mga ito. Ang pagdiriwang at pagkilala ng ating wika ay nararapat nating gawin sa bawat araw na nagdaraan.
Ang Buwan ng Wika ay pinagdiriwang upang alalahanin ang ating kasaysayan. Naalala niyo pa ba ang okasyon na nangyari noong Buwan ng Wika natin? Basahin ang mga artikulo sa lathalaing ito.